Nasa 880 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa pahayag ni BuCor director General Gregorio Catapang, Jr., ito ay matapos makumpleto ng mga bilanggo ang kanilang hatol at makumpleto ang proseso para tuluyan nilang paglaya.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Kabilang sa lumaya ang senior citizen na si "Aida" na limang taon nang nakakulong Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City at makapagdiwang na ng kanyang ika-82 kaarawan sa labas ng kulungan.

Nauna nang isinapubliko ng BuCor na aabot sa 423 preso mula kanilang detention facilities ang pinalaya nitong Hunyo 27.

Sa kabuuan, 880 na ang lumaya, kabilang ang 92 preso mula sa CIW.