Viral sa social media ang Facebook post ng isang nagngangalang "Mak Rodriguez" matapos niyang isiwalat na ang binili raw niyang "Spanish bread" sa isang panaderya sa kanila ay may palamang pako para sa semento.

Ganoon na lamang ang pagkadismaya ng customer mula sa Sto. Domingo, Albay matapos niyang matuklasan ang puting pako sa loob ng biniling tinapay mula sa kaniyang suking panaderya.

Misis raw niya ang nakakain ng tinapay na may palamang pako.

Narito ang kabuuan ng post ni Mak:

Human-Interest

Concerts, certified stress reliever ayon sa psychologist?

".Anu na tabi an gelram's may sahug na bagang Pako Ang tinapay nindu😡😡😡😡maray ngani ta Baku mga aki Ang nakakuwa Kang tinapay na may Pako.....madeskwedu tabi kamu k para bakal.....gelram's tabi an Kang sto Domingo sa may parada kng lidong😡😡😡😡😡😡😡," aniya.

Ayon naman sa ulat ng news page na "Publiko," itinanggi umano ng panaderya na sinadya nila ang paglalagay ng pako sa tinapay. Maingat umano sila sa paggawa ng kanilang mga paninda. Unang beses daw nilang nakatanggap ng reklamo sa nabanggit na isyu.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!