
(PNA)
Lotto jackpot na ₱49.5M, walang nanalo
Walang nanalo sa 6/58 Ultra Lotto draw nitong Linggo.
Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 15-02-20-57-19-10 kung saan aabot sa ₱49,500,000 ang jackpot nito.
Dahil dito, inaasahang madadagdagan pa ang jackpot ng 6/58 Ultra Lotto sa susunod na draw nito.
Matatandaang isang mananaya ang nanalo ng ₱366,687,465.20 jackpot sa 6/58 Ultra Lotto draw nitong Hunyo 30, 2023.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.