Na-take down umano ang bagong YouTube channel ng Television and Production Exponents Incorporated (TAPE, Inc.) ilang araw bago ito ilunsad.

Sa YT channel na ito sana mapapanood nang live ang online streaming para sa noontime show na "Eat Bulaga!"

Ayon sa ulat ng "One News," napansin umano ng mga netizen na hindi ma-access ang YT channel link ng TAPE na naka-post sa kanilang opisyal na Facebook page.

Noong Hunyo, na-take down din umano ang "Eat Bulaga Na" social media platforms nila, kaya naman mapapanood ang online streaming ng EB sa social media platforms ng ilang hosts nito, gaya nina Paolo Contis at Isko Moreno.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Wala pang tugon, kumpirmasyon, o opisyal na pahayag ang pamunuan ng TAPE tungkol dito.