Marami ang naintriga sa makahulugang Instagram post ni Yassi Pressman tungkol sa pagiging "single."

Mababasa sa kaniyang IG post noong Sabado, Agosto 12, "Sabado, August 12, 2023, “not triple.not double.but SINGLE.”

Kapansin-pansing naka-capital letter ang salitang "Single."

Bukod dito, sa isa pang bukod na Instagram post ay nagbahagi si Yassi ng isang quote card tungkol sa "silent battle."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"finally smilinggg thank you Lord," caption niya rito.

Isa pa, napansin umano ng mga marites na hindi na niya binati ng "Happy Birthday" ang jowa noong Hulyo 21, 2023.

Eh bongga pa naman ang pagbati ni Yassi sa kaniya noong 2022, na nag-reveal na jowa niya ito.

"HBD. So happy with where life has brought us, so lucky to have you calm my anxieties, hold my hand, push me to become better & empower me," mababasa sa kaniyang caption.

“I promise to keep giving u surprise cheek kisses at random times of the day even when u think I’m kulit,” dagdag pa.

Isa pang "resibo" ng mga intrigerang netizen ay ang pag-unfollow daw ni Jon sa socmed account ni Yassi. Si Jon ay isang businessman na naka-base sa Toronto, Canada.

Pero kung titingnan naman ang mga litrato at post sa Instagram account ni Jon, makikitang naroon pa ang mga larawan nila together ni Yassi.

Si Yassi naman ay may upcoming movie na "Video City" katambal si Marco Gumabao produced by GMA Pictures, at ipalalabas sa mga sinehan sa darating na Setyembre 2023.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dalawang sangkot na partido tungkol sa isyung ito.

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2022/07/23/boyfriend-reveal-yassi-pressman-may-pa-birthday-message-kay-jon-semira/