South Cotabato - Umabot na sa 2,202 ang tinamaan ng dengue sa lalawigan na ikinasawi na ng anim na pasyente mula pa nitong Enero ng taon.

Ito ang kinumpirma ni South Cotabato Integrated Provincial Health Office (IPHO) Mosquito-borne disease program coordinator Jose Barroquillo nitong Biyernes.

“IPHO has recorded 2,202 dengue cases as of July, or about 132 percent higher as compared to last year,” ani Barroquillo.

Tatlo aniya sa anim na nasawi ay taga-Polomolok at tig-isa naman sa Tboli, Norala at Koronadal City.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa kabuuan ng kaso, nakapagtala ng pinakamataas na bilang ang Polomolok (376), sinundan ng Surallah (321) at Koronadal City (317).

“Always monitor for symptoms of your children. Parents should keep watch on fever, skin rashes, body pain, and worst bleeding," babala ng opisyal.

Idinagdag pa ni Barroquillo, kapag nakaranas ng sintomas ang mga anak, dalhin kaagad sa mga health professional upang maagapan ang komplikasyon at posibleng pagkamatay.

PNA