Ibinahagi ng Vivamax sexy star na si AJ Raval ang video nila ng boyfriend na si Aljur Abrenica habang hinahalikan siya nito sa pisngi.

Makikitang tila abot-tenga at ngiting-wagas si AJ nang bigla siyang taniman ng kiss sa pisngi ni Aljur, na mapapanood sa kaniyang Instagram story.

Katabi naman nila ang komedyanteng si Kuya Jobert Austria.

Naganap umano ito bago ang kanilang performance sa concert sa Vancouver, Canada kasama ang komedyante.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Samantala, ibinida naman ng dalawa ang isa nilang larawan habang sila ay magkasamang tila naglalakad, sa kanilang Instagram posts.

Sa comment section ay pinutakti sila ng bashers na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on sa kanilang relasyon. Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din naman sa kanila.

"Nadala kapa sa cheater na 'yan..."

"sana all married ang jowa"

"dami nyo eme! kala mo naman mga perpekto buhay nila kung makacomment ng walang kakwenta kwenta,isa pa rin naman pag sa toxic."

"Next reveal na nila baby kawawa nman ang bata kung ganito klase magulang meron ang bata"

"Huyy mga Magsi move on na kayo lintik ang dami Yung kuda sa ibang tao kaya kayo di umaasenso ehh kasi puro kayo namimintas at nangingialam sa buhay ng may buhay."

Ibinahagi rin ng dalawa na may pelikula silang pagsasamahan na may pamagat na "Sugapa" na mapapanood sa Vivamax.