Sinuspindi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 22 na reclamation project sa Manila Bay.

Sa pulong balitaan sa Malacañang nitong Huwebes, ikinatwiran ni DENR Secretary Antonia Yulo-Loyzaga na pinag-aaralan pa ang mga nasabing proyekto.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"The declaration is really that all of these projects are suspended at this point. So all are under review, we have to take our time, really beginning with those that are ongoing because they're in fact already impacting the areas and then we will graduate to all those in fact still not yet begun," anang opisyal.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na suspendido na ang lahat ng proyekto sa Manila Bay, maliban lamang sa isa, dahil sa mga problema sa kanilang implementasyon.

Posible aniyang mawala ang dagat sa bisinidad ng Roxas Boulevard dulot ng reclamation projects.

Ipinaliwanag pa ng DENR, nagsasagawa na sila ng cumulative impact assessments sa mga proyekto upang matukoy ang mga epekto nito sa Manila Bay.