
(Manila Bulletin File Photo)
Buntis na rebelde, sumuko sa Marawi City
Isang walong buwang buntis na rebelde ang sumuko sa mga sundalo sa Marawi City kamakailan.
Sa pahayag ng Philippine Army (PA) 103rd Infantry Brigade (IBde), ang nasabing rebelde ay nakilalang si "Janella" na squad medic ng kanilang yunit na pinangangasiwaan ng North Central Mindanao Regional Committee ng NPA.
Si "Janella" ay boluntaryong sumuko sa 103rd IBde headquarters na naka-base sa Marawi City.
Sa initial debriefing, ipinaliwanag nito na nagpasya siyang magbalik-loob sa pamahalaan dahil sa hirap ng buhay sa kilusan.
Inaasahang mabibigyan ng financial assistance ang naturang rebelde para sa pagbabagong-buhay nito.
PNA