Humanga ang mga netizen sa mga ibinahaging larawan ng isang photographer matapos niyang mapitikan ang makapigil-hiningang pormasyon ng mga ulap sa paligid ng Bulkang Mayon sa Albay.
Ayon sa Facebook post ni Djorhiz Ruel P. Bartolome ng Brgy. Iraya Guinobatan, Albay, bandang 8:13 ng umaga noong Hulyo 29, 2023 niya nasilayan ang kakaibang pormasyon ng mga ulap sa bandang ituktok ng bulkan, na maihahalintulad sa isang tradisyunal na panapin sa ulo na "salakot."
"Mayon volcano as of 8:13 am (July 29,2023)," aniya sa kaniyang caption habang siya ay nasa Albay Provincial Sports Complex, Travesia,Guinobatan, Albay.
Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita kay Bartolome, siya ay kasalukuyang photographer sa Office of the Mayor ng Guinobatan, Albay. Ang kasalukuyang alkalde nito ay si Mayor Paul Chino Garcia. Labis daw siyang humanga sa nakitang "suot" na salakot ni "Daragang Magayon."
"Sobra po akong na-amazed kasi 1st time ko po makuhanan o makita nang ganun kaganda si Mayon na may 'salakot,' anang photographer.
"Sabi ng mga matatanda, nagsisimbolo raw po ng proteksyon para sa mga Albayano, sobra akong natuwa sa nakita ko na sa mismong mata ko ang salakot ni Mayonš„¹š«¶š¼ Da Best!"
Hindi raw makapaniwala ang photographer na magba-viral ang kaniyang post, na unang beses na nangyari sa kaniya.
Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 19k reactions, 22k shares, at 389 comments ang viral FB post ni Bartolome.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ādi kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingĀ FacebookĀ atĀ Twitter!