Mukhang magsasama sa isang concert sina Megastar Sharon Cuneta at dating mister na si Gabby Concepcion, batay sa kaniyang pahiwatig sa Instagram post nitong Biyernes, Hulyo 28, 2023.

Makikita sa art card na kaniyang ibinida ang silhouette ng isang lalaki at babae, na ayon sa mga netizen, ay silang dalawa.

Nakalagay pa rito ang petsa at venue na kailangang abangan ng Sharonians. Magaganap ang muling "balikan" o pagtatagpo ng dalawa sa Oktubre 27, 2023 sa SM Mall of Asia Arena.

Isang "💜" ang inilagay na caption dito ni Mega.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Makikita rin ang nabanggit na post sa IG story ni Gabby, at parehong lavender heart ang kanilang caption dito.

Kaniya-kaniyang hula naman ang mga netizen tungkol dito.

"Parehas ng post parehas din ng story."

"Nakakaiyak na nakakakilig po."

"HINDI NA AKO MAKAHINGA!"

"Tapos guest sana si @kristinaconcepcion."

"OMG!!!!! Is it finally happening?!!?! Please don’t tease us if it’s not."

"ShaGab forever pa rin. Thank you so much natupad na din sa wakas!"