Nagkapalitan ng mensahe sa isa’t isa ang kapwa Kapuso actress-beauty queen na sina Herlene Budol at Celeste Cortesi dahil sa pagkakahawig ng kanilang dress sa naganap na GMA Gala kamakailan.

Sa Instagram post ni Herlene nitong Lunes, Hulyo 24, makikitang inirampa ng actress-beauty queen ang beaded see-through niyang dress na may paandar pang headdress na konektado sa kaniyang gown.

Mukhang tila kinilig naman si Herlene sa naturang event dahil sa mababasang caption na “GMA GALA LAST NIGHT with someone 😊.”

“Thank you sa 21 na waistline at napakagandang outfit ms @maraxchua at sa aking makeup and hair @maryletim team @ml_salon_and_spa Salon Sa shoes @jojobragaisofficial Sa nag picture neto apaka poging photographer @advanramirez,” pasasalamat ni Herlene sa kaniyang team.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kinaaliwan naman ng netizens ang hirit na mensahe ni Herlene kay Celeste na sinabing

“Si celeste ang inorder ako yung dumating. Disappointed yung nag order haha 😂.”

Sinagot naman nito ni Celeste.

“Hahahaha you look beautiful!!!!” aniya.

Matatandaan namang kasamang dumating ni Herlene ang leading man niyang si Rob Gomez sa kanilang teleserye na “Magandang Dilag” na napanonood sa GMA Network.