Isa sa inabangang big stars na rumampa sa red carpet ng "GMA Gala 2023" ay si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na talaga namang nagpa-wow sa kapwa celebrities at netizens dahil sa simpleng outfit subalit lutang na lutang na ganda.

Kaya naman pati ang GMA headwriter na si Suzette Doctolero, napuri ang ganda ni Marian na aniya ay walang kakupas-kupas.

"Ang ganda pa rin talaga ni Marian Rivera, walang kupas. Napatili kami sa isa't isa nung nagkita last night. Super ❤️ ko talaga 'yang taong iyan," anang Suzette sa kaniyang tweet nitong Linggo ng hapon, Hulyo 23, 2023.

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1683018278829199360

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Suzette ang scriptwriter ng ilang markadong telefantasyang ginawa ni Marian, lalo na ang "Amaya."

Sa kaniyang Instagram posts kung saan ibinahagi ni Marian ang kanilang mga litrato ng mister na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, mababasa ang paghanga ng netizens sa taglay na ganda ni Marian kahit may dalawang anak na sila ni Dong.

"Queen!"

"What a goddess!"

"Diyosa! Balik ka na sa Primetime!"

"Perfection! Bagay na bagay kayo ni Dingdong."

"Diyosang-diyosa during the gala and everyday!"

Samantala, sa isang Instagram post ay pinasalamatan ni Marian ang kaniyang glam team.

"Grateful for my glam family who made me radiate last night," anang Marian.