Walang pinagsisihan ang actress-beauty queen na si Rabiya Mateo hinggil sa pagbibigay ng second chance sa relasyon nila ng aktor na si Jeric Gonzales.

Sa panayam nila sa “Fast Talk with Boy Abunda,” inusisa ng TV host ang tungkol sa pagbibigay nila ng pangalawang pagkakataon sa kanilang relasyon.

“What made you decide that you know this relationship that this love; is, was, is worth fighting for?” tanong ni Abunda.

Direkta naman itong sinagot ni Rabiya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Alam mo Tito Boy, kasi noong ako lang mag-isa, mas hirap ako na wala siya. Parang mas okay na lang na kainin ‘yong pride ko. You know, to learn to understand, kaysa nawala siya. So, parang doon ko na-realize na, we need to give this relationship a second time and hindi ko siya pinagsisihan,” aniya.

Sagot naman ni Jeric, ang relasyon nila ni Rabiya ay "worth fighting for."

“Thank you. Thank you kasi hindi mo pinagsisihan and ako naman, ako din, like ‘yong realization ko dito Tito Boy, ang dami kong naging relationship in the past pero ito ‘yong worth fighting for kasi noong naghiwalay kami, hindi ko talaga natiis, hindi ko siya natiis, ibig sabihin, true love talaga ‘yong ganon,” aniya.

“But ang nice ‘no. Sabi ko nga, I mean, there’s so much joy in the air,” huling pahayag ni Abunda.

Samantala, sa parehong panayam, nagpalitan naman sina Rabiya at Jeric sa "wedding vows."

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2023/07/21/rabiya-at-jeric-nagbigay-ng-wedding-vows-sa-isat-isa/