Tuloy pa rin ang isinasagawang paglilinis ng listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa social media post ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Biyernes, Hulyo 21, binanggit nito na ang kanilang hakbang ay alinsunod sa bahagi ng nilalaman ng State-of-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Hulyo 2022 kung saan binanggit na kailangang pag-aralan nang husto ang listahan ng mga benepisyaryo.

“Upang matiyak na napupunta sa kuwalipikadong mga pamilya ang tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng 4Ps, titiyakin natin na malilinis ang listahan ng benepisyaryo,” pagdidiin ni Marcos.

“Higit isang milyong pangalan na ang naka-graduate sa listahan ng 4Ps. At nagagalak akong mabatid na sila’y nakakatayo na sa kanilang sariling mga paa. Kaugnay nito ay inutusan ko ang DSWD na pag-ibayuhin pa ang pag-repaso ng listahan upang maitutok ang pamimigay ng sapat na ayuda sa mga lubos na nangangailangang pamilya,” bahagi pa ng mensahe ng Pangulo.

Matatandaang isinapubliko ng DSWD ang Listahan 3 o ang National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTSPR) noong Agosto 2022 kung saan natukoy na aabot sa 5.59 milyon ang mahihirap na pamilya sa bansa.

“The DSWD has operationalized the directive of President Bongbong Marcos Jr. to clean the list of our 4Ps beneficiaries through the ongoing review and assessment of household-beneficiaries. This effort will ensure that only the deserving poorest of the poor Filipinos will receive grants from the government,” pahayag naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Nauna nang inihayag ng ahensya na isinasailalim pa sa validation ang 1.3 milyong benepisyaryo at posibleng matanggal sa programa dahil sa iba't ibang dahilan.