Nagbigay-komento ang talk show host na si Ogie Diaz sa naging performance ni Herlene Budol sa Miss Grand International 2023.

Sa latest &t=1331s">YouTube video na Ogie Diaz Showbiz Update nitong Lunes, Hulyo 17, isa sa mga natalakay nina Ogie at ng kaniyang co-hosts na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh, ang isyu tungkol sa tila usap-usapan ng netizens na mukhang hindi raw umano masaya si Herlene sa nakuhang title.

Kaya’t nausisa rin ni Mama Loi si Ogie kung anong basa niya sa naging reaksyon ni Herlene sa kaniyang crowning moment.

“Ikaw nay, anong basa mo roon sa reaksyon niya?” tanong ni Mama Loi.

Herlene Budol, ‘sinayang’ daw ni Angkol ng Miss Grand International

“Nag-i-expect siya hindi ng tourism kundi siya ‘yong grand winner. ‘Yan ang basa ko sa mukha ah. Basa ko ‘yon ah, kasi ‘yon din naman ang basa ng iba,” aniya.

“Disappointed siya. Eh jusko, ayaw pa ba niya ‘yon? Ang dami naman niyang awards nakuha eh ‘di ba. Nakalimutan atang i-acknowledge ni Herlene Budol ‘yong kaniyang mga kakulangan, ‘yong mga kakapusan niya during that night, na alam naman na ni Herlene kung saan siya malakas at kung saan siya mahina,” dagdag pa niya.

Pagpapaliwanag pa ni Ogie, aminado naman siyang malakas sa audience si Herlene pero hindi naman daw ang mga taga suporta niya ang maghuhurado sa naturang kompetisyon.

“Kung sa audience impact malakas siya, eh hindi naman ‘yong audience impact ang nagde-decide, kundi may mga hurado, may mga judges na naroroon,” chika ni Ogie.

Mukhang hindi rin natuwa si Ogie sa madalas na paglalaro ni Herlene pagdating sa Q and A portion.

“Ito ba ‘yong pwede nating kunin o bigyan ng parangal para i-represent tayo sa buong mundo, ‘di ba, eh pagka-ganon na tulad niyan sa Q and A, nagpapatawa pa, minsan alam mo wala rin naman sa timing, ‘di ba, wala sa timing ‘yong pagpapatawa,” pansin pa ni Ogie.

Sa huli, tila may "sermon" pa si Ogie para kay Herlene na dapat matuwa na lang siya umano dahil may nakuha pa siyang title.

“Ako napapansin ko lang naman na parang ginawaran ka na ng Miss Tourism tapos parang nakabusangot ka pa, hindi mo pa ma-spelling ‘yong mukha mo kung ngingiti ka or enough na ba yon, ito po ba ang deserve ko, parang hindi. Dapat nga matuwa siya mayroon pa siyang nakuha ‘di ba,” huling sey ni Ogie sa naturang topic.

Kamakailan lang ay may sey si Herlene sa founder ng Miss Grand International na si Nawat “Angkol” Itsaragrisil dahil sinayang daw siya umano nito.