Tila may sagot na si Broadway Diva Lea Salonga sa pinag-usapang viral video niya mula sa isang fan, na napagsabihan niya matapos magtungo sa kaniyang dressing room upang magpa-picture.

Sa kaniyang tweet nitong Lunes, Hulyo 17 ng tanghali, sinabi ni Lea na may "boundaries" din siya bilang isang artist.

"Just a reminder… I have boundaries. Do not cross them. Thank you," anang Lea.

Kalakip nito ang kaniyang lumang tweet tungkol naman sa turo ng nanay niya hinggil sa pagtanggap ng pagkain mula sa isang stranger. Reaksiyon naman ito sa balita patungkol kay "Jung Kook," isa sa mga miyembro ng sikat na sikat na South Korean all-male group na BTS.

'Pagwawasto' ni Lea sa fans na humihiling ng photo op sa dressing room, usap-usapan

"This is one of the things my mother trained me to do: NEVER ACCEPT FOOD FROM STRANGERS. Even if the giver’s meaning is well-intentioned, there are those out there whose intentions are to harm or even to kill."

https://twitter.com/MsLeaSalonga/status/1680790065071489024

Sa isa pang tweet, muling ibinahagi ni Lea ang video ng panayam sa kaniya tungkol sa pagse-set ng boundaries.

https://twitter.com/MsLeaSalonga/status/1680791726498119680

"Thanks for sharing this. Allow me to quote."

"This is the mindset of many folks in the industry. If you get it, that’s good. If you don’t, then I have no good words for you," reiterate ng award-winning singer-actress.