Walang nanalo sa halos ₱60 milyong jackpot sa 6/49 Super Lotto draw nitong Linggo ng gabi.

Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 43-09-45-25-05-19 na may nakalaang premyo na ₱59,895,409.60.

Inaasahan na ng PCSO na lolobo pa ang premyo nito sa susunod na draw.

Nitong Hunyo 11, dalawang mananaya ang nanalo at naghati sa ₱15 milyong premyo ng 6/49 Super Lotto.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Binobola ang nasabing laro tuwing Martes, Huwebes at Linggo.