Nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Dodong nitong Sabado ng hapon, Hulyo 15, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala PAGASA ng PAGASA kaninang 5:00 ng hapon, inihayag nitong lumabas na ng PAR ang Tropical Storm Dodong dakong 4:00 ng hapon ngayong araw.

Huling namataan ang sentro ng bagyo 305 kilometro ang layo sa kanlurang bahagi ng Sinait, Ilocos Sur, sa labas ng PAR, na may maximum sustained winds na 65 kilometer per hour malapit sa sentro at pagbugsong 80 kilometer per hour.

Mabagal umano itong kumikilos pa-timog timog silangan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Wala naman nang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa alinmang lugar sa bansa, at hindi na direktang magdudulot ng malakas na pag-ulan sa bansa ang bagyo, ayon sa PAGASA.

Gayunpaman, makararanas pa rin umano ngayong araw ng mga pagbugso dahil sa Southwest monsoon o habagat ang mga lugar sa malaking bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, silangang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas.