Laban na laban at tila walang bumitaw sa natunghayang bakbakan sa PhilSports Arena nang maglaban ang Petro Gazz “Angels” at F2 Logistics “Cargo Movers.”

Sa Facebook post ng Premier Volleyball League nitong Miyekules, Hulyo 13, makikita ang score sets tally na, 20-25, 25-22, 25-12, 33-35, 15-9 na umabot sa limang sets at pumabor sa Petro Gazz.

Dahil sa pagkapanalong iyon ng “Angels,” parehas na silang mayroong 3-1 win-loss record ng “Cargo Movers,” na una naman nilang pagkatalo sa naturang kumpetisyon.

Naging madikit at kapana-panabik ang laban dahil halos nagpapalitan lang ng score ang dalawang koponan sa ika-4 na set ng laro na umabot pa sa 33-35 na nakuha ng F2 Logistics kaya’t umabot pa ng ika-5 at deciding set.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa huli, nakamit ni Gretchel Soltones ang kaniyang career-high na may kabuuang 31 points na mula sa kaniyang 26 attacks, 4 blocks at 1 ace na siyang itinanghal na “Player of the Game.”