Muling nahalal si Bishop Jose Colin Bagaforo ng Diocese of Kidapawan bilang pangulo ng Caritas Philippines, ang social action at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Sa pahayag ng Caritas Philippines nitong Linggo, Hulyo 9, muling nahalal din si Bishop Bagaforo bilang chair ng Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace sa ginanap na 126th plenary assembly ng CBCP nitong Sabado sa Marzon Hotel sa Kalibo, Aklan.

“I am grateful for the trust and confidence that the CBCP has given me to lead Caritas Philippines for another term,” ani Bishop Bagaforo. 

“I am committed to working with our partners to ensure that we can continue to provide much-needed assistance to the poor and marginalized, and to promote justice and peace in our country,” dagdag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naglilingkod umano si Bishop Bagaforo bilang pangulo ng Caritas Philippines mula noong 2019. Sa kaniyang pamamahala, nagtakda siya ng tatlong pangunahing agenda para sa kaniyang huling termino:

  • Buong pagpapatupad ng pinalawak na Alay Kapwa fund campaign na naglalayong kumuha ng 1,000,000 donors na mangangakong magbibigay ng hindi bababa sa ₱500 taun-taon upang suportahan ang pitong Alay Kapwa Legacy Programs.
  • Pagpapalakas ng Justice, Peace, and Integrity of Creation Programs na nagtataguyod ng “culture of peace” at “sustainable development” sa bansa.
  • Pagpapalakas ng social action network na binubuo ng 86 diocesan social action centers (DSACs) sa buong bansa.

“I call on all Filipinos to support Alay Kapwa and to join us in our work for justice, peace, and the common good,” saad ni Bishop Bagaforo.

Matatandaang nito ring Sabado ay muli namang nahalal bilang pangulo ng CBCP si Bishop Pablo Virgilio David ng Diocese of Kalookan.

MAKI-BALITA: Bishop David, muling nahalal bilang pangulo ng CBCP