Inanunsyo ni Meta CEO Mark Zuckerberg na mayroon nang 10 million sign-ups ang bagong app nitong Threads sa loob lamang ng pitong oras.

“10 million sign ups in seven hours 🤯,” mababasang post ni Zuckerberg sa Threads.

Opisyal na inilunsad ng Meta ang Threads, isang text-based social media platform, nitong Huwebes, Hulyo 6.

“I am looking to the fun journey ahead to turn this into the kind of big and friendly community that I think we all want to see in the world,” ani Zuckerberg nang ianunsyo niya ang paglulunsad ng naturang app nitong Huwebes, Hulyo 6.

Internasyonal

Eroplano sa Brazil, tinamaan ng ibon; nabutas!

Ang Threads ay pinaniniwalaang pantapat sa Twitter na pinamamahalaan ni Elon Musk.

MAKI-BALITA: Meta, inilunsad ‘Threads’ app na pantapat daw sa Twitter

Available na umano ang Threads sa app store sa 100 mga bansa sa mundo.