Halos maiyak sa tuwa ang tinaguriang "Pinoy Kapre" at "Pinoy Frankenstein" na si Raul Dillo nang bisitahin siya ni ABS-CBN news anchor Bernadette Sembrano-Aguinaldo, hindi lamang para kapanayamin sa kaniyang vlog at kumustahin, kundi upang bigyan din siya ng isang regalo.

Naging emosyunal si Raul nang ipakita sa kaniya ni Bernadette ang isang bagong-bagong tricycle na magagamit niya sa pamamasada at iba pang bagay, tulad ng pagsundo at paghatid sa kaniyang anak sa paaralan.

Binisita ni Bernadette ang tahanan ni Raul kung saan nakita niya kung paano ngayon namumuhay ang talent na madalas na gumaganap na kapre sa mga pelikulang horror noon.

Wala raw itong kaalam-alam na inihahanda na ang isang tricycle para sa kaniya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Muling natupad ang isa pang wish ni Kapre dahil ang una raw, nagkita na sila ng aktor-direktor na si Coco Martin at pumayag na itong makapasok siya sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo."

MAKI-BALITA: Aktor na gumaganap na ‘kapre’ at ‘Frankenstein’ sa pelikula, nagpapasaklolo kay Coco Martin

MAKI-BALITA: Raul ‘Frankenstein’ Dillo, aabangan na nga ba sa ‘Batang Quiapo?’

Matatandaang nanawagan noon si Raul kay Coco na sana ay mabigyan siya ng trabaho at maipasok sa nabanggit na serye.

MAKI-BALITA: Raul Dillo alyas ‘Kapre,’ pasok na sa Batang Quiapo

Lubos-lubos na pasasalamat ang sinambit ni Raul at ng kaniyang pamilya sa "Ka-B-yanihan" ni Bernadette, na pinasalamatan naman ng huli.

"Palagi nga nating sinasabi, Pilipino tayo kaya lumalaban tayong nakangiti!" pahayag pa ni Bernadette.

&t=1024s