Tila talagang nagustuhan ni Unkabogable Star Vice Ganda ang “vibe” ni Kapuso star Barbie Forteza matapos niyang sabihin sa isang tweet na bagay ang aktres sa “It’s Showtime.”

“Bagay si Barbie sa Showtime. I love her vibe!” ani Vice sa kaniyang Twitter post kalakip ang shinare niyang video clip ng pag-guest ni Barbie sa programa.

Makikita naman sa naturang video ang “bubbly” na pagtanggap ni Barbie ng bulaklak mula sa It’s Showtime family at ang pagbati nito sa Madlang People.

“Maraming salamat Showtime Family! Pwede po bang bumati?” ani Barbie sa video pagkatanggap ng bulaklak.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Doon ay tila bumwelo ang Kapuso star bago niya tuluyang isigaw ang “What’s up, Madlang People.”

“We love Barbie. ‘Yung nanay niya lagi raw nanonood ng It’s Showtime,” saad naman ni Vice matapos ang pagbati ni Barbie.

Masayang sinang-ayunan naman ni Barbie ang sinabi ni Vice at binati nila ang kaniyang mommy.

Nag-guest si Barbie sa It’s Showtime kasama ang iba pang Kapuso stars nitong Sabado, Hulyo 1, kung kailan unang umere ang programa sa GTV.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, umere na sa GTV; Opening prod kasama Kapuso stars, pasabog!