Nagpadala si Vice President Sara Duterte ng saku-sakong bigas sa Victoria, Oriental Mindoro nitong Martes upang matulungan ang libu-libo residente.

Nasa 155 pamilya ang binigyan ng tig-isang sakong bigas ng Office of the Vice President (OVP) sa pamamagitan ng Disaster Operations Center nito.

Sa kanyang social media post, ipinaliwanag ni Duterte na tinugunan lamang niya ang natanggap na liham ng isang lider ng tribung Mangyan nang bumisita ito sa Naujan, Oriental Mindoro kamakailan.

Bukod dito, humiling din ng pabahay at maliit na negosyo ang tribo.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nakikipagtulungan pa ang Office of the Vice President (OVP) sa mga local government unit (LGU), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at National Housing Authority (NHA) upang maplantsa ang usapin sa proyektong pabahay.