Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Occidental Mindoro nitong Sabado ng tanghali, Hunyo 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 12:43 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 10 kilometro ang layo sa hilagang silangan ng Abra De Ilog, Occidental Mindoro, na may lalim na 8 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Intensity IV - Abra De Ilog, OCCIDENTAL MINDORO; Puerto Galera, ORIENTAL MINDORO

Intensity III - Calapan City, ORIENTAL MINDORO

Intensity II - San Luis, and Lemery, BATANGAS

Intensity I - Bauan, Batangas City, Sta. Teresita, at Cuenca, BATANGAS; Tagaytay City, and Carmona, CAVITE

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.