Napa-wow ang mga netizen sa tinaguriang "Ultimate Multimedia Star" na si Toni Gonzaga-Soriano matapos niyang ibahagi ang mga larawan ng kaniyang maternity shoot.

May simpleng caption ang kaniyang Instagram post na "2nd (heart emoji)."

Isa sa mga unang-unang nagkomento rito ay ang kapatid na si Alex Gonzaga-Morada.

"Hot mommy ey! Hot mommy oh! Masarap na mommy mo ang yummy mo," komento ng kapatid, mula sa lyrics ng kaniyang "MNM" ng social media personality na si Toni Fowler.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ilan pa sa mga celebrity na nagpaabot ng pagbati sa kaniya ay sina Mariel Rodriguez-Padilla, Kakai Bautista, Iza Calzado, at Teresa Loyzaga.

Noong Hunyo 4, unang ipinasilip ni Toni ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis, matapos siyang handugan ng baby shower ng malalapit na kaibigan, kabilang na ang ilang mga politiko.