Tinatayang 61.12% o 2,924 sa 4,784 examinees ang pumasa sa June 2023 Architect Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes, Hunyo 15.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Fritz Mari Sangalang Sendrijas mula sa Ateneo de Davao University bilang mga topnotcher matapos siyang makakuha ng 85.90% score.

Samantala, hinirang na top performing school ang University of the Philippines - Diliman matapos makakuha ang mga ito ng 100% overall passing rating.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Hunyo 2 hanggang Hunyo 9 sa mga testing center sa National Capital Region, Baguio, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pampanga, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente