Naobserbahan na naman ang crater glow ng Mayon Volcano nitong Linggo ng gabi.

Sa Facebook post ng Albay Provincial Information Office (PIO), dakong 8:15 ng gabi nang makunan ni Ralph Odiaman ng larawan ang bulkan habang namumula ang bunganga nito.

Gayunman, ipinaliwanag ni resident volcanologist Dr. Paul Alanis, ng Mayon Volcano Observatory, na hindi lava flow ang nasaksihan sa bulkan.

Aniya, bahagi lamang ng rockfall events ang naobserbahan ng mga residente na senyales lamang na tumitindi pa ang pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Ipinaiiral pa rin ang alert level 3 status ng bulkan kaya ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan dahil sa nakaambang panganib ng posibleng pagsabog nito.