Pinayuhan ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Linggo ang mga Manilenyo na mag-ingat laban sa dengue, kasunod na rin nang  ngayon na nagsimula na ang panahon ng tag-ulan.

Kaugnay nito, nanawagan rin siya sa lahat ng mga Manilenyo na panatilihing mas malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang sakit at manatili ding hydrated.

Panawagan pa ni Lacuna sa mga barangay, suportahan ang patuloy na city-wide cleanup drive, alinsunod sa Executive Order na ipinalabas ng alkalde na nagtatakda sa weekly cleanup day sa buong lungsod, simula sa  City Hall at mga barangays.

Ayon kay Lacuna, bagama't ‘Dengue Awareness Month' ang buwan ng Hunyo at may mga probable at suspected cases ng dengue sa lungsod, ay wala pa rin namang confirmed cases sa nakalipas na dalawang linggo.

National

Rep. Paolo Duterte, ‘negatibo’ sa hair follicle drug test

Pinayuhan din ng alkalde ang mga Manilenyo na sundin ang ‘5S Kontra Dengue’ na ipinalabas ng Department of Health (DOH), kabilang ang search and destroy, seek consultation self-protection, support fogging at sustain hydration.

Nanawagan pa si Lacuna sa mga residente na hanapin sa kanilang mga lugar ang mga kasulok-sulukan, na maaaring maging  breeding grounds ng mga pang-araw na mga lamok na dahilan ng  dengue.

Payo niya, kapag nakaramdam na ng sintomas, lalo na ng lagnat na di mawala, ay kailangan na agad na magpa-konsulta sa doktor.

Samantala, ang self-protection naman ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagsusuot ng long-sleeved, dark garments, dahil hindi naaakit ang mga lamok sa mga madidilim na kasuotan.

Bilang suporta naman sa fogging, sinabi ni Lacuna na impormahan ng mga residente ang kanilang mga barangay para sa  pinpointed breeding grounds ng mga lamok.

Bilang panghuli ay hinikayat ng lady mayor ang mga Manileño na panatilihing hydrated ang kanang sarili dahil kapag   well-hydrated ang katawan, ito ay tumutulong na panlaban sa dengue.

Kailangan ang dalawang litro ng tubig sa katawan para sa tamang  hydration.