OCTA: NCR Covid-19 positivity rate, 14.6% na lang
OCTA: NCR Covid-19 positivity rate, 14.6% na lang
Bumaba pa sa 14.6% na lamang ang weekly Covid-19 positivity rate ng National Capital Region (NCR) hanggang nitong Hunyo 6.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ito'y malaking pagbaba mula sa dating 19.9% noong Mayo 30.
Dagdag pa ni David, inaasahan nilang higit pa itong bababa sa 10% na lamang sa susunod na linggo.
Samantala, ang hospital bed occupancy sa rehiyon ay bumaba pa mula sa 28.8% at naging 25.5% na lamang, sa kahalintulad na petsa.
"NCR 7-day testing positivity rate decreased to 14.6% on June 6 2023, from 19.9% on May 30," tweet ni David.
"We expect this to decrease less than 10% next week as cases continue to decline. Hospital bed occupancy in NCR decreased from 28.8% to 25.5% over the same period," aniya pa.
Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa Covid-19 mula sa kabuuang bilang ng mga taong isinailalim sa pagsusuri.
Samantala, ang nationwide positivity rate naman ay naitala sa 16.6% noong Hunyo 7, na mas mababa sa dating 17.7% ng nakalipas na araw.