Pumanaw na ang beteranong aktor na si John Regala sa edad na 58 nitong Sabado, Hunyo 3, dahil umano sa sakit.
Kinumpirma ito ng kaniyang asawa na si Victoria Scherrer sa panayam ng ABS-CBN News.
Ayon kay Scherrer, binawian ng buhay si Regala dakong 6:28 kaninang umaga sa New Era General Hospital matapos itong mag-cardiac arrest dulot ng liver at kidney complications.
Tatlong linggo na umanong nasa ilalim ng critical care ng ospital ang aktor bago siya masawi.
Inaayos na raw ng pamilya ang wake arrangements para kay Regala sa St. Peter Chapels sa Tandang Sora, Quezon City.
Matatandaang naging bahagi ang beteranong aktor ng iba’t ibang palabas sa telebisyon tulad na lamang ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”