Bahagyang bumagal ang antas ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa nitong nakaraang Abril.

Ito ang pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, sa isinagawang pulong balitaan sa Malacañang nitong Biyernes kasunod ng pagdalo nito sa NEDA Board meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Aniya, nakukuha na ng pamahalaan ang puntiryang pagbaba ng inflation ngayong taon.

“I think we are, kaya we will announce that next week. Yeah, I think that casually, we observed the moments of crisis recently. I do believe that we are on the downtrend,” sabi pa ni Balisacan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nasa 6.6 porsyento ang naitalang inflation nitong Abril mas mababa kumpara sa 7.6 porsyento nitong Marso.