Ang singer mula sa Caloocan City na si Rex Baculfo ang itinanghal na bagong Grand Winner ng singing competition ng "The Clash" sa GMA Network, na ginanap nitong Linggo ng gabi, Mayo 29.

Sa kaniyang Facebook post ay labis na nagpasalamat si Rex sa pamunuan ng network, The Clash, sa mga hurado, at sa lahat ng mga taong naging bahagi ng kaniyang journey.

"A dream come true! A dream that I never thought would happen!! Ang lagi ko lang po sinasabi sa sarili ko dati ok lang 'yan Rex, basta meron kang napapasayang tao sa bawat performance mo sobrang blessing na yun sayo! Pero LORD you gave me this! 😭 And I promise to always do this for YOU! For your glory!!" bahagi ng pasasalamat post ni Rex.

"This is your Simpatikong Bokalista REX BACULFO THE CLASH 2023 GRAND CHAMPION!!" aniya pa.

National

VP Sara, iginiit na walang ginagawa si PBBM para sa bayan kaya walang masabi si Usec. Castro

Naiuwi ni Rex ang premyong ₱1M in cash, exclusive contract sa GMA, at isang brand-new house and lot mula sa Camella Homes.