Matapos tumulak ng all-Pinoy global pop group na HORI7ON sa South Korea, sa wakas ay pinagalaw na nito ang baso kasabay ng anunsyo na ang kanilang bagong single na “Lovey Dovey” ay mapakikinggan na sa darating na Mayo 31.

Sa serye ng posts sa kanilang mga official accounts, ibininahagi ng HORI7ON ang ilang patikim para sa kanilang bagong awitin.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Inilabas na rin sa social media ang unang concept photo para sa nasabing kanta, kung saan makikita ang miyembrong sila Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda suot ang makukulay na damit na siyang pasok sa vibe ng “Lovey Dovey.”

Napuno naman excitement ang “Anchors,” o fans ng HORI7ON na kaniya-kaniyang tweet patungkol sa nasabing awitin.

“Their visuals is definitely on another level. They’re so fascinating with their colorful outfits,” sey ng isang netizen.

https://twitter.com/justforvinster/status/1660844744468045828?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

Unang napakinggan ang “Lovey Dovey” sa idol survival show na “Dream Maker,” kung saan nabuo ang grupo.