Kung inaakala ng marami na dapat perfect ang isang beauty queen, pwes ay iibahin si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel na tila kebs lang kahit na kita na ang cellulite sa kaniyang binti sa kamakailang official photos online.

Ito ang body positivity post ng reigning titleholder na parehong hinangaan at ipinagpasalamat ng maraming followers.

Habang nasa Thailand, game na game na nag-post ang beauty queen mula sa headquarters ng JKN Global Media Public Company Limited, ang may-ari ng Miss Universe.

Habang all-smile si R’Bonney, kapansin-pansin ang halatang imperfection sa binti nito.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Hello Universe! ✨ Hello cellulite 🙃 Here’s to no photoshop and embracing the skin I’m in 💫,” mababasa sa caption ni Pinay-American kamakailan.

Basahin: Certified ‘Manila girl’: R’Bonney Gabriel, namulat sa baha, tongits, larong-kalye sa Pinas – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pawang positibo naman ang naging reaksyon ng followers ni R’Bonney sa kaniyang unedited photos.

“Thank you@rbonneynolafor uplifting body positivity! Embracing every part of the skin we’re in should always be celebrated! 😍👏🏽” anang Texan TV personality na si Sharron Melton sa Instagram post ni R'Bonney.

Nag-iwan din ng clapping emojis ang Mexican Miss Universe 1991 na si Lupita Jones.

“Wow, it's amazing that you dare to post photos like that, especially since most people consider a beauty queen to be perfect, you're the first Miss Universe I've seen doing it and 👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻 to you,” anang isa pang fan.

“Cellulite a bit is sooo natural! Still a perfect pic. ❤️ Photoshop is so yesterday🤣🤣,” segunda ng isa pa.

“Thank you so much for this R’Bonney. I needed this today.”

“YASSSSSSS 👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼 loving this new phase in@missuniverse🤌🏽👏🏼🌈🌟TRUE BEAUTY in all its phases, colors & forms!!!! You ROCK queen!!! 👑”

Isang karaniwang kondisyon, ang cellulite ay itsurang bukol sa balat ng isang tao na madalas ay lumilitaw sa hita, tiyan, o pigi.

“Ang lump na hitsura ng cellulite ay sanhi ng mga fat cells na lumaki sa pagitanng nag-uugnay na tisyu sa ilalim ng iyong balat. Ito ay sanhi ng bukol na hitsura ng cellulite,” anang website na The Asian Parent.