Isang tradisyunal at wifi-ready na library ang maaaring magamit ng mga estudyante sa Malanday, Valenzuela. Salamat sa inisyatiba ng kanilang Sangguniang Kabataan sa barangay.

Ito ang flex ng SK Malanday sa kanilang Facebook page kamakailan matapos opisyal nang magbukas sa mga kabataang estudyante ang ipinagmamalaking proyekto sa Kabataan Center sa lugar.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Maliban sa mga tradisyunal na mga aklat, ilang wifi-ready at fully-functional na desktop ang mapakikinabangan din ng mga estudyante sa lugar para sa kanilang mga requirement sa eskwelahan.

Bukas ang mini-library mula Miyerkules hanggang Sabado sa pagitan ng ika-2 ng hapon hanggang ika-8 ng gabi.

Nitong Sabado, sa update ng kanilang page, makikitang halos mapuno naman ng kabataan at pawang mga estudyante ang silid-aklatan, bagay na ikinatuwa naman ng pamunuan ng SK.

Dahil sa inisyatiba, pinuri naman ng netizens ang nasa likod ng isiyatiba at bumubuo ng naturang SK sa lugar.

“Congrats! Looks pretty good. Thank you for using our taxpayer money well,” anang isang netizens.

“Napakahusay!” segunda ng isa pa.

“Nice! Galing!♥️

“Ang ganda!”

“Husay!”

Sa pag-uulat, nasa mahigit 700 reactions at 308 shares na ang inani ng makabuluhang proyekto mula sa netizens.

Marami sa kanila ang umaasang maging modelo ito para sa mas marami pang library na maipatayo para sa kabataan.