NUEVA ECIJA - Nadiskubre ng mga awtoridad ang ilang pampasabog sa liblib na lugar sa Gabaldon kamakailan.

Sa police report, nagsagawa ng operasyon ang pulisya at mga tauhan ng 703rd Infantry Brigade ng Philippine Army sa nasabing lugar batay na rin sa ibinigay na impormasyon ng isang babaeng dating miyembro ng New People's Army (NPA) na nauna nang sumuko sa 1st Provincial Mobile Force Company nitong Mayo 6.  

Kabilang sa narekober ang isang rifle grenade at isang granada na pinaniniwalaang itinago ng mga rebelde.

Kaugnay nito, nanawagan ang mga awtoridad sa mga rebelde na sumuko na at samantalahin ang iniaalok na programa ng pamahalaan para sa kanilang pagbabagong-buhay.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol