Malugod na tinanggap ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagiging bukas umano ng gobyerno sa mga natuklasan at rekomendasyon ng UN Committee on the Elimination of Discrimination against Women (CEDAW) hinggil sa mga hinaing ng Malaya Lolas, grupo ng mga lola na naging biktima ng pang-aabuso at kalupitan ng mga Hapon noong World War II.

Kamakailan lamang ay inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na tingnan kung paano matutugunan ng Pilipinas ang mga alalahanin ng Malaya Lolas, at kinilala ang kalupitang natamasa umano nila noong WW II.

BASAHIN: PBBM, inatasan mga ahensya ng gov’t na tugunan ang ‘concerns’ ng Malaya Lolas

Sa pahayag ng CHR nitong Huwebes, Mayo 18, sinabi ni Commissioner Faydah Maniri Dumarpa, ang Focal Commissioner for Gender and Development, na malaking ang tiyansang makakamit sa madaling panahon ang buong reparasyon na hinahangad ng mga biktima.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“I am elated by the marching orders of President Marcos, Jr. as it augurs well with our country’s commitment to protect, promote, and uphold human rights. As a State party to the International Covenant on Civil and Political Rights, we are hopeful that the government will adhere to its obligation to uphold the right to remedy and reparations of the victims of sexual slavery, which is a gross violation of human rights,” saad ni Dumarpa.

“In line with international standards and basic principles, we also remind that the reparations and remedy must be adequate, effective, and prompt to truly promote justice, peace, and genuine healing,” dagdag niya.

Binanggit din ng CHR ang nilabas na desisyon ng UN CEDAW noong Maso na nilabag ng Pilipinas ang mga karapatan ng Malaya Lolas, dahil hindi sila pinagkalooban ng mga claim reparation, maging ng suporta at pagkilala sa dinanas nila.

BASAHIN: PH, nilabag ang mga karapatan ng Pinoy ‘comfort women’ – UN committee

Sa parehong buwan ay hinimok ng CHR ang pamahalaan na seryosong isaalang-alang at kumilos ayon sa mga rekomendasyon ng Komite.

Ayon sa CHR, may ibinigay na ₱10,000 cash aid ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa hindi bababa sa 20 survivors sa Pampanga. Ito umano ang unang pagkakataon na nabigyan sila ng cash compensation.

“[W]e hope this is only the start of the intended reparation, support, and recognition for the abuses they have suffered,” saad ng CHR.

Ipinaalala rin ng komisyon ang mga pamantayan umano para sa mga hakbang upang matiyak ang tunay na remedyo at reparasyon para sa Malaya Lolas.

“It must include restitution or restoration of the victim’s dignity; compensation for both economic and moral damages; rehabilitation, which may include medical and psychological care as well as social and legal services; and, satisfaction or cessation of continuing violations,” anang CHR.

Alinsunod sa mga pamantayang ito at sa mga prinsipyo ng hustisya, inulit ng CHR ang kanilang rekomendasyon na isama ang paghingi ng tawad ng gobyerno ng bansang Japan upang lubos umanong kilalanin ang pinsalang nagawa sa Malaya Lolas.

Nararapat din daw na ibalik ang comfort women statue na dating nakatayo sa Manila Bay upang gunitain at bigyang-pugay ang katapangan at pakikibaka ng “Filipina comfort women” at para ipaalala ang mga “kasuklam-suklam” na kalupitan ng digmaan.

“‘Long overdue’ is an understatement to describe the several decades of waiting for full reparation and remedy for the Filipina ‘comfort women’ with many of them carrying the wounds to their old age and some to their grave,” anang CHR.

“CHR thus looks forward to the translation of the government’s commitment into concrete and comprehensive mechanisms and policies that will promptly and genuinely redress the abuses and harms suffered by them,” dagdag nito.