Inanunsyo ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco nitong Sabado, Mayo 13, na nalampasan ng Pilipinas ang 2 milyong target sa international visitor arrivals para sa taong 2022.

Sa isang forum sa Makati City, ibinahagi ni Frasco na nakapagtala ang bansa ng 2,002,304 international visitor arrivals mula Enero 1 hanggang Mayo 12, 2023.

Lampas umano ito sa buong taong target para sa 2022 na 1.7 milyong foreign visitors.

“𝘕𝘰𝘵𝘸𝘪𝘵𝘩𝘴𝘵𝘢𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘶𝘳 𝘤𝘩𝘢𝘭𝘭𝘦𝘯𝘨𝘦𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘥𝘪𝘧𝘧𝘪𝘤𝘶𝘭𝘵𝘪𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘰𝘶𝘳 𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵𝘳𝘺 𝘩𝘢𝘴 𝘧𝘢𝘤𝘦𝘥, 𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘥𝘦𝘮𝘪𝘤 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘦 𝘷𝘢𝘳𝘪𝘰𝘶𝘴 𝘤𝘢𝘭𝘢𝘮𝘪𝘵𝘪𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘤𝘰𝘮𝘦 𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘰𝘶𝘳 𝘴𝘩𝘰𝘳𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘨𝘰𝘰𝘥 𝘯𝘦𝘸𝘴 𝘪𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘩𝘢𝘴 𝘥𝘰𝘯𝘦 𝘯𝘰𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘣𝘳𝘦𝘢𝘬 𝘵𝘩𝘦 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰 𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵 𝘰𝘳 𝘵𝘰 𝘥𝘪𝘮𝘪𝘯𝘪𝘴𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘦𝘢𝘶𝘵𝘺 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴,” ani Frasco.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ayon pa kay Frasco, prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang turismo ng bansa, kaya’t malaki umano ang posibilidad na maging “tourism powerhouse” ang Pilipinas sa Asya.

“𝘞𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘶𝘴𝘱 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘢𝘴𝘴𝘪𝘷𝘦 𝘴𝘶𝘤𝘤𝘦𝘴𝘴 𝘰𝘧 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘮 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴. 𝘠𝘰𝘶 𝘤𝘢𝘯 𝘧𝘦𝘦𝘭 𝘪𝘵, 𝘺𝘰𝘶 𝘤𝘢𝘯 𝘩𝘦𝘢𝘳 𝘪𝘵, 𝘺𝘰𝘶 𝘤𝘢𝘯 𝘴𝘦𝘦 𝘪𝘵, 𝘪𝘵'𝘴 𝘰𝘶𝘳 𝘵𝘪𝘮𝘦 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴, 𝘪𝘵'𝘴 𝘰𝘶𝘳 𝘵𝘪𝘮𝘦 𝘵𝘰 𝘣𝘦𝘤𝘰𝘮𝘦 𝘈𝘴𝘪𝘢'𝘴 𝘭𝘦𝘢𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘮 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘩𝘰𝘶𝘴𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘩𝘦𝘭𝘱, 𝘸𝘦 𝘤𝘢𝘯 𝘢𝘤𝘩𝘪𝘦𝘷𝘦 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘵𝘩𝘢𝘵,” saad ni Frasco.

Naghatid umano ang South Korea ng halos isang-kapat ng kabuuang bilang ng mga bisita para sa Pilipinas na may 487, 502 (24.35%). Sinundan naman umano ito ng United States of America na may 352, 894 (17.62%); Australia na may 102, 494 (5.12%); Canada na may 98, 593 (4.92%); at Japan na may 97, 329 (4.86%).

Kasama rin umano sa sampung bansang nanguna sa paghatid ng mga bisita sa Pilipinas ang China (75,043), Taiwan (62,654), United Kingdom (62,291), Singapore (53,359), at Malaysia (36,789).

Sa parehong ulat, nagtala umano ang DOT ng ₱168.52 bilyon sa mga inbound visitor receipts mula Enero hanggang Abril 2023. Ito ay 782.59% na mas mataas kaysa sa ₱19,093,427,035.59 mga kita sa turismo na nabuo sa parehong panahon noong nakaraang taon.