Hindi umano bet ng mga marites online ang pagiging host ni Karla Estrada sa tinaguriang "barangay hall on-air" na Face 2 Face, dahil malayo raw ito sa "power" at "level" ng mga dating host na sina Amy Perez at Gelli de Belen.

Dagdag pa ng mga tagahanga sa nasabing programa, medyo nanatili pa rin daw umano ang pagiging "soft hearted" host ni Momshie Karla dahilan kung bakit hindi gaanong "intense" ang Face 2 Face.

Narito ang komento ng netizens:

"Bakit ang tamlay ni Ms. Karla?"

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

"Malabnaw pa rin si Ms. Karla, kulang pa sa power."

"Walang makakatalo sa pagiging host ni Tyang Amy sana ibalik na siya."

"Bakit medyo boring na?"

"Nakaka-antok naman. HAHAHA."

Samantala, sinabi ng netizens na challenging talaga ito para kay Momshie Karla dahil malayo ito sa nakasanayan niyang istilo sa paghohost sa Magandang Buhay. Dagdag pa nila, matutunan din naman umano ng aktres kung paano pa mas maging "powerful" na host sa Face 2 Face.

Bukod din sa mga dating host, hinahanap na rin ng netizens sina B1 at B2.