Alcala, Cagayan -- Iniimbestigahan na ng awtoridad ang umano'y person of interest kasunod ng pagpatay sa isang guro noong Mayo 8.

Ayon sa pulisya, pinagbabaril umano ang guro habang nakasakay sa isang bangka sa Alcala. 

Sa imbestigasyon sinabi na pauwi na ang biktima galing sa paaralan at habang naghihintay ng kapuwa pasahero sa bangka, ito raw ay nilapitan ng suspek.

Tinanong umano ng suspek ang biktima kung siya ba si "Nick," nang um-oo raw ito ay bigla na lang ito pinagbabaril.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagtamo ng anim na tama ng baril sa ulo ang biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito. 

Nakatakas ang gunman kasama ang umano'y lookout na sakay ng motorsiklo. 

Samantala, sinabi ni Police Major George Maribbay, hepe ng PNP Alcala, na hawak nila ang umano'y person of interest sa likod ng pagpatay sa biktima.