Binigyang-pagkilala ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang pagsusumikap ng Marikina City Government na padaliin ang business permitting at licensing para sa mga Marikeños, sa pamamagitan ng kanilang itinayong Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) at pagpapakilala ng mga kapaki-pakinabang na reporma at mga teknolohiya para sa mas madali at mas episyenteng business processes.

Nabatid na tumanggap si Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro nitong Lunes ng Certificate of Commendation mula sa ARTA, bilang pagkilala sa lungsod sa pagiging isa sa mga 'exemplary Local Government Units (LGUs)' sa streamlining at simplification ng business permitting at licensing procedures at pagtatayo ng eBOSS.

“Nakita niyo naman kung ano ang nagagawa kung nag-uusap ang lokal at ang nasyonal na pamahalaan,” ayon kay Mayor Marcy.

Tinukoy rin ng alkalde ang kahalagahan ng whole-of-government approach na siyang coordinated at collaborative effort ng lahat ng sangay, departamento at ahensiya ng pamahalaan upang tugunan ang complex problem ng lipunan.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

“Kinikilala natin sa Marikina ang pamamaraang whole-of-government approach sa pagsasakatuparan ng ating mga proyekto. Sa pagstreamline ng ating business registration processes, kailangan ay tamang pagkakataon para buo nating maipatupad ito,” ani Teodoro.

“Naniniwala akong hindi ito madali para sa ilang tanggapan at ahensyang kabahagi sa ating sistema ng e-BOSS subalit mayroon tayong pagkakaisa para maisakatuparan itong mabuti. We would work together,” dagdag pa ng alkalde.

Ayon sa ARTA, matagumpay na naipatupad ng city government ang lahat ng functionalities sa pagtatayo ng eBOSS, na required ng batas at ng Joint Memorandum Circular No. 01, series of 2021, ng ARTA, Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, at Department of Information and Communications Technology, gayundin ng Republic Act No. 11032 o The Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, kaya't nagawa nitong makapagkaloob ng de kalidad at episyenteng serbisyo sa publiko.

Nabatid na ang Marikina City ay kabilang sa pitong lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR) na nakatalima, sanhi upang umani ito ng papuri sa ARTA dahil sa pagtatakda ng standards sa mga lungsod at munisipalidad.

“Isang napakagandang oportunidad sa Anti-Red Tape Authority na i-recognize ang Marikina as one of the seven out of the 17 cities and municipality in the National Capital Region, to comply with the requirement,” ayon kay ARTA OIC Director General Ernesto Perez.

“We are so happy to recognize Marikina and award the Certificate of Recognition. We feel that we really have to encourage all LGUs to set up and operationalize this Electronic Business One-Stop Shop,” aniya pa.

Hinikayat rin naman niya ang iba pang LGUs na sumunod sa ehemplo ng Marikina City, kasabay nang pagpuri kay Teodoro sa pagkakaroon nito ng political will at commitment.

“We would like to call other LGUs to follow suit because if all LGUs will comply with this requirement it will really result in the improvement of our economy, increase the revenue collections of LGUs, and increase in the revenue registrations of LGUs,” aniya pa.