Buong pagmamalaking ibinahagi ni Kapamilya star Jodi Sta. Maria ang ilang mga litrato ng anak na si Thirdy Lacson habang naghahanda ito sa kaniyang graduation ball.
"Oh how you've grown! Flex ko lang yung binata ko," caption ni Jodi.
Bahagi ng post ang pagpapasalamat ng award-winning actress sa glam team ni Thirdy.
"I love you always, anak ❤️❤️❤️" sey pa ni Jodi.
Nagkomento naman dito ang mga celebrity na sina Anne Curtis, Iza Calzado, Nikki Valdez, at kahit ang partner ngayon ng ama ni Thirdy na si Iwa Moto.
"Pogi naman ni Kuya Muy❤️❤️❤️," sey ni Iwa.
"Thank you Tita Aileen ❤️," tugon ni Jodi.
Si Thirdy, 17, ay anak nina Jodi at Pampi Lacson, anak ni dating senador at presidential candidate Panfilo Lacson.