Pumalo na sa₱158 milyon ang jackpot sa MegaLotto 6/45 na bobolahin ngayong Lunes ng gabi.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), lumaki ang nasabing premyo nang hindi mapanalunan ang mahigit sa ₱146 milyong naunang nakalaang jackpot nitong April 28 draw.

Kaugnay nito, umabot naman sa₱47 milyon ang jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw ngayong araw, Mayo 1.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes habang ang GrandLotto 6/55 draw ay tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'