Hindi magkakaroon ng anunsyo para sa taas-suweldosa Mayo 1, ayon sa pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Sabado.

Sa radio interview, nilinaw ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na walang ilalabas na wage adjustment dahil ipoprosesopa ito.

Aniya, pinag-aaralan pa ngRegional Wages Tripartite and Productivity Board angwalong petisyon para sa dagdag-suweldo.

Saklaw ng mga nasabing petisyon ang mga manggagawa sa Metro Manila,Calabarzon (Region 4A), Western Visayas, at Central Visayas.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nilinaw din ng opisyal na ang pangunahing aktibidad sa Labor Day (May 1) ay "non-wage" benefits na kinabibilangan ng“Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa, pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa ilalim ng iba't ibang programa ng DOLE.”