TIAONG, Quezon -- Inambush ng dalawang suspek ang umano'y miyembro ng isang drug group habang pauwi ito noong Huwebes ng hapon, Abril 27, sa Purok 1, Barangay San Agustin sa bayang ito.

Kinilala ang nasawi na si Joey Malabanan, 34, miyembro umano ng Brando Flores Drug Group, at residente ng nasabing lugar habang ang mga suspek ay kinilalang sina Ruel Sanchez Exconde alyas "Apong" ng Barangay Ayusan 2, at Eugenio Panganiban alyas "Imboy" ng Barangay Ayusan 1, ayon sa ulat ng Tiaong Police. 

Dagdag pa ng ulat, bandang 5:30 ng hapon na pauwi na sana ang biktima mula sa San Agustin River nang biglang dumating ang mga suspek, at sa hindi pa nalalamang dahilan ay pinagbabaril ang una ng ilang beses at nagtamo ito ng tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng agarang pagkamatay.

Tumakbo ang mga suspek patungo sa Barangay Road ng San Agustin dala ang ginamit na armas.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Bineberipika pa ng pulisya kung may kinalaman ang droga sa motibo ng pagpatay sa suspek habang sinusuri rin ang kuha ng CCTV para sa posibleng ruta ng tinakasan ng mga suspek.