Posibleng magkaubusan ng plaka ng mga motorsiklo at kotse sa Hunyo at Hulyo ngayong taon, ayon sa Land Transportation Office (LTO) nitong Miyerkules.

Gayunman, nakaisip kaagad ng paraan si LTO chief Jose Arturo Tugade at sinabing gumamit na lamang muna ng improvised plate ang mga walang plaka.

"Puwedeng maglagay ng improvised or temporary plates similar to motorcycles and dito sa improvised plates ang nilalagay natin sa kotse ay conduction sticker sa motor naman ang MV file number," pahayag ni Tugade sa isang television interview.

Nauna nang inihayag ni Tugade na naglatag na sila ng mga hakbang kaugnay sa usapin.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nanawagan din ito sa Department of Transportation (DOTr) na apurahin ang pagbili ng mga plaka upang matugunan ang nakaambang krisis.