Inamin ni Sweety Echiverri, anak ng singer at tinaguriang "Crystal Voice of Asia" na si Sheryn Regis, na isa siyang bisexual, na ginawa niya sa morning talk show na "Magandang Buhay."

Inamin ni Sweety na mas lumakas ang kalooban niyang mag-come out nang aminin mismo ng ina, na isa siyang lesbian, 11-anyos pa lamang siya.

"Around that time I was also confused about my sexuality and my self-identity. I was a young teenager when she first came out to me. Since then when my mom came out to me, I actually had the guts and comfort to come out to her and my dad as bisexual," paliwanag ni Sweety.

Suportado naman ni Sheryn ang kaniyang anak, dahil higit kaninuman, siya ang mas nakakaalam sa sitwasyon ng anak.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

“Whatever Sweety decides, prefers kung ano ang gender preference niya, in-accept namin," aniya.

Noong 2021 ay inamin ni Sheryn sa publiko na isa siyang lesbian at masaya sa piling ng partner na si Mel de Guia, bagay na suportado rin ng kaniyang mister.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/28/sheryn-regis-matagal-nang-lesbian-yes-ang-essence-babae-ako-pero-gusto-ko-pa-rin-babae/">https://balita.net.ph/2021/12/28/sheryn-regis-matagal-nang-lesbian-yes-ang-essence-babae-ako-pero-gusto-ko-pa-rin-babae/