Posibleng maglabas ng desisyon ang pamahalaan sa susunod na linggo kung palalawigin pa ang SIM card registration pagkatapos ng April 26 deadline nito.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy, uupuan nila sa Lunes, Abril 24 ang usapin.

Kabilang aniya sa dadalo sa pagpupulong ang mga opisyal ng public telecommunication entities (PTEs) at iba pang may apektado o may kinalaman sa usapin.

Nauna nang isinapubliko ng mga telecommunications company na mahigit pa sa kalahati ng kanilang subscribers ang hindi pa nakapagparehistro.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Sa Lunes, magkakaroon kami ng pagpupulong upang makuha ang mga statistics kung ilan na ang nakapagparehistro. Matignan kung ano ang talaga ‘yung mga problema bakit may ilan na hindi pa rin nakakapagparehistro,” aniya.

Nasa 76,927,923 subscribers pa lamang ang nakapagparehistro na halos kalahati ng 168 milyong subscribers ng mga ito.